CAMARINES NORTE- Pinaghahandaan na ng Philippines Statistics Authority (PSA) ang paglulunsad ng printable PhilID sa susunod na buwan.
Ito ang pansamantalang gagamitin ng mga nakapagrehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) habang naghihintay sa pagdating ng kanilang mga ID na inaabot ng ilang buwan.
Ayon kay Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao sa susunod na linggo ay magkakaroong ng dalawang araw na training para sa mga taong mamahala sa paglulunsad ng printable PhilID.
Tugon ito ng PSA sa reklamo ng mga nakapagparehistro na sa PhilSys na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin dumarating ang mga ID.
Para ma- avail ang printable PhilID ay kailangang i- check ng aplikante ang availability nito gamit ang transaction number at makipag- appointment sa pinakamalapit na PhilSys Registration Center para sa printing sa pamamagitan ng online appointment system.
Iaanunisyo ang tungkol sa appointment system kapag available na bago matapos itong buwan.
Batay sa pinakahuling datos ng PSA nai- deliver na sa 61, 722 Cam Norteño ang kanilang national ID mula sa 62, 500 o 99 percent ng natanggap naman ng Philippine Postal Corporation o Philpost.
