Window hours sa NCR – walang balak na alisin ng MMDA

Mananatili ang window hours sa trapiko sa Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagsisikap ng Gobyerno na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.

Sa ilalim ng window hours, pinapayagan pa rin ang mga naka-number coding na sasakyan na bumiyahe mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, wala silang balak na ipaalis ang window hours.

Maaalalang malamig din ang tugon ng automobile ASSOC of the PH sa posibleng pag-alis ng window hours dahil maaaring magresulta lamang ito sa lalong pagbili ng sasakyan ng maraming Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *