Viral video ng vlogger na kasama ang tarsier – tinawag na ‘disturbing’ ng DENR

Tinawag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-SOCCSARGEN na ‘disturbing’ ang viral video ng isang vlogger na hindi tamang pagtrato sa mga tarsier.

Makikita sa viral video na tila tinatrato bilang manika ang tarsier.

Hinawakan at pilit na pinangingiti habang kinukuhanan ng video at sinabihan pang ‘smile baby.’

Umani ito ng negatibong reaksyon sa mga netizens lalo’t endagered species ang mga tarsier at hindi rin ito maaaring hawakan dahil mabilis silang ma-stress na siyang nagreresulta sa suicide.

Sa impormasyon na natanggap ng Kagawaran, pinakawalan na umano ang mga tarsier sa Polomolok, South Cotabato.

Samantala, patuloy nilang pinag-aaralan ang posibleng aksyon sa nabanggit na insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *