Win: Suspended Mayor Guo, dapat lang mapanagot

‘Tama ang ating hinala’

‘yan ang naging reaksyon ni Senador Win Gatchalian matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang matagal na nitong suspetsa na iisa lang si suspended Mayor Alice Guo at ang Chinese national na si ‘Guo Hua Ping’.

Ito ay base sa naging pagma-match ng fingerprint ng dalawang indibidwal na nagpapakitang Chinese talaga ang nationality ni Guo taliwas sa sinasabi nitong Pilipino siya.

Una na rito, makikita sa dokumento ng Special Investor Residence Visa na idineklarang ina ni Guo si Lin Wen Yi na maliwanag umanong nagpapakita ng panloloko ng alkalde sa gobyerno.

Alinsunod nito, marapat lang umanong mapanagot ito sa batas at mging ang ilan pang tila ‘Alice Guo’ na tumatakas sa batas ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *