WHO: ‘Di pa panahon para i-lift ang face shield policy

Kumbisido ang World Health Organization na hindi pa tamang panahon para pag-usapan ang pagpapalit ng kasalukuyang polisiya kaugnay sa pag-gamit ng face shields, matapso magtala ang bansa ng record-high tally ng mga bagong kaso.

Ayon kay WHO country representative Rabindra Abeyasinghe, pag-uusapan lang ng gobyerno ang kaugnay sa pagbabago ng polisiya sa oras na maging kontrolado na ang sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang isa sa ilang mga bansa na nagrerequire sa pag-gamit ng face shields, maliban sa suot na face masks.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Una nang sinabi ng Malacañang na wala pang pag-uusap ang pandemic task force kaugnay sa pagluluwag sa pagsusuot ng face shield, sa kabila ng mga batikos na hindi naman ito lubusang nakakaprotekta sa isang tao mula sa virus.