NAGA CITY –Ratsada ang mga personahe ng Naga City PSO Ordinances Enforcement Division sa pagpatupad ng Wheel Clamp Ordinance na mas pinahigpit ngayon dahil nga sa mga pasaway na mga driver na hindi pa rin natututo dahil sa ginagawa pa ring parking area ang kalsada na kung saan kahapon ay marami na naman ang na wheel clamp.
Bukod diyan patuloy ding sinisita at hinuhuli ang mga trimobile driver na nagpapatakbo sa ilang national highway sa lungsod tulad ng sa kahabaan ng Concepcion Pequeña hanggang sa Del Rosario, Magsaysay Avenue at Diversion Road.
Ayon kay Barangay Kagwad Gil Belen, Federation President ng trimobile association, bukod sa bawal sila national highway, bawal na rin silang magparada sa alinmang mall sa lungsod dahil sinisita at hinuhuli sila.