Westlife, magkakaroon ng pangalawang concert sa Pilipinas

Magkakaroon ng pangalawang concert sa Pilipinas ang Irish boy band na Westlife matapos mabilis maubos ang ticket para sa kanilang show sa February 20, 2023.

Kinumpirma ito ng kanilang concert promoter na Wilbros Live na gaganapin sa susunod na araw, February 21, 2023.

Read More:  Heart Evangelista calls out ‘plastic,’ ‘arrogant’ influencers

Magiging available ang ticket para sa second show ng ‘The Wild Dreams world tour’ ng naturang sikat na banda sa June 18 ngayong taon.

Read More:  Bela Padilla refuses to discuss rumored rift with Kim Chiu, Angelica Panganiban

Samantala, 2019 pa ang huli nilang bisita sa bansa kung saan ipinagdiwang nila ang kanilang 20th anniversary sa Araneta Coliseum. (ARGIE ERGINA)