WBC, naglabas ng mandatory fights; Donaire vs Gaballo, kasama sa listahan

Inutos ng WBC kay bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na dipensahan ang titolo nito laban sa kapwa niya Pilipino at interim champion na si Reymart Gaballo.

Kasama ang laban sa listahan ng mandatory fights na inilabas ng WBC, na isa sa apat na major santioning bodies sa larangan ng pro-boxing.

Mababatid na sa edad na 38, ang tinaguriang “The Filipino Flash” na ang pinakamatandang bantamweight na nakasungkit sa titolo matapos nitong talunin ang French na si Nordine Oubaali.

Ang itinakdang laban ng WBC sa pagitan nina Donaire at Gaballo, ay kasunod ng kanselasyon ng unification bout ng “The Filipino Flash” laban sa kababayan nito at WBO titleholder na si Johnriel Casimero.

Sa huli ay nakatapat at natalo ni Casimero ang dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux ng Cuba.