Waste Water Treatment Facility sa Naga City, inaasahan na magiging functional ngayong Hulyo

NAGA CITY – Inaasahan na ngayong Hulyo, magagamit at maaari nang magpalabas ng tubig mula sa Waste Water Treatment Facility sa sanitary landfill sa Naga City.

Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joel Martin head ng City Solid Waste Management Office na nasa calibration process pa sila sa ngayon dahil nadelay ang pondo na nirequest pa nila noong Pebrero. Ayon kay Martin, nitong katapusan ng Mayo lang dumating ang pondong 1.4 milyon para sa kemikal na gagamitin sa calibration process kaya ngayong unang linggo lang ng Hunyo sila nakapagsimula.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, may mga initial results na sila ng tubig mula sa pasilidad at base sa kanyang obserbasyon, maaari na itong maipalabas sa Yabu River ngunit kailangan muna nilang ipakita at ipasuring muli ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang masiguro ang kalidad at magkaroon ng sertipikasyon sa operasyon nito.