Water source level ng Metropolitan Naga Water District, nasa normal pa rin sa kabila ng limitadong supply nito

NAGA CITY – Nananatiling nasa normal level pa rin ang water source ng Metropolitan Naga Water District ito’y sa kabila ng limitadong supply nito sa lungsod na bago mag alas-6 ng umaga nawawala na at bumabalik bago pa mag alas-8 ng gabi o kung minsan alas-9 na, nararanasan din ito sa mga karatig bayan.    

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ayon kay Jesus “Choppy “ Dela Cruz, MNWD Public Information Officer, regular nilang mino-monitor ang water source na nasa 664 ektaryang protected area sa Mt. Isarog sa pamamagitan ng kanilang technical personnel, bumaba ang level nito ngunit hindi pa rin umaabot sa critical level.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News Fm Naga, sinabi niyang inaasahan na nila ang ganitong senaryo kaya mahigpit ang pagbabantay nila, lalo na sa mga water pumping stations na nagkakaroon ng problema dahil sa pawala-walang supply naman ng kuryente mula sa Casureco 2.