Warriors yumuko sa Celtics sa Game 1 ng NBA Finals

Naging mainit ang unang paghaharap ng Boston Celtics at Golden State Warriors sa Game 1 ng NBA Finals.

Nasilat ng Boston ang Warriors sa mismong homecourt nito, 120-108.

Sa unang tatlong quarter ay kontralado pa ng Warriors ang laro subalit pagsapit ng huling anim na minuto ng laban ay nagpakawala ang Boston ng 11-0 run na dahilan para umalagwa ito sa 111-103.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Nanguna sa panalo ng Celtics ang veteran forward na si Al Horford matapos itong humakot ng 26 points at 6 rebounds.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Dinagdagan pa ito ng 24 points ni Jaylen Brown at 21 points mula kay Derrick White.

Samantala, 35 points naman ang kinamada ni Stephen Curry para sa GSW na nalagay ngayon sa 0-1 hole sa serye.