Sugatan at nahaharap ngayon sa kasong car napping ang isang 25-anyos na lalaki sa Bulacan matapos itong maaksidente gamit ang ninakaw na motorsiklo.
Batay sa ulat ng mga otoridad, isinugod sa ospital ang suspek dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ngunit kalaunan ay inaresto rin makaraang madiskubre na nakarehistro sa ibang pangalan ang motorsiklo nito na umano’y ninakaw pa sa Nueva Ecija.
Sa isinagawang ‘follow up investigation’ ng PNP, inihayag ng tunay na may-ari ng motorsiklo na tinutukan umano siya ng baril ng suspek saka ito tinakay mula sakanya.
Napag-alaman rin na may existing “rape case” ang suspek sa Batangas noong 2017, at carnapping ngayong taon sa Nueva Ecija. Narekober din mula sa posesyon nito ang kalibre 45 baril, mga bala at granada.###