Arestado ng pulisya ang wanted sa kasong may kinalaman sa Illegal drugs bandang alas-singko ng hapon nitong Huwebes sa Kabayan Subd., Purok Masagana, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City.
Kinilala ang naaresto na si RODERICK LIM EBUA. @ BIMBIM, (PHVI) 33 anyos na residente ng Brgy. San Manuel na may kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Nang kapkapan umano si Roderick ng mga tauhan ng Police station 1 at ibang law enforcement unit ay nakuha umano sa kanya ang 2 maliliit na heat-sealed transparent plastic sachets na may laman na hinihinilang shabu.
Samantala, habang isinisilbi umano sa suspek ang arrest warrant ay tinangka ng kasama nitong si John Mark Largo Requela, 34 anyos na pigilan ang operatiba kaya sinama siyang inaresto.
Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Sec. 11, of Art II of Republic Act 9165.