Wanted na kumuha ng police clearance, huli

Timbog ang isang lalaki matapos lumabas sa kanyang record habang kumukuha ng police clearance na may warrant of arrest siya sa kasong frustrated murder.

Kinilala ang akusado na si Ernie Benosa Onofre, 50-anyos, residente ng Purok 2, Brgy Cagara, Baleno, Masbate.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

May nakabinbin ito na warrant of arrest sa kasong 2 counts of frustrated murder na nangyari noong Hulyo 31, 2017 at may piyansa na P200K bawat isang kaso.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Nahuli si Onofre habang kumukuha ng police clearance sa Aroroy Municipal Police Station, ito ay dahil centralize na ngayon ang mga records ng PNP sa mga nahaharap sa kaso na kung tawagin ay e-warrant o electronic-warrant.