Walang protesta dulot ng vote buying – Lemery PNP

Nilinaw ng Lemery PNP na walang nangyaring kaguluhan kagabi sa labas ng Lemery Municipal Hall matapos na magtipon doon ang ilang mga tao dahil sa umano’y recounting ng boto sa pagka-Alkalde ng bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Police Major Niel Christopher Gaspar, ang Chief of Police ng Lemery PNP, sinabi nito na agad nilang ipinaliwanag sa mga tao doon na hindi totoo ang kumalat sa social media na magkakaroon ng recounting sa boto.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya pa, ipinaliwanag din nila sa kanilang mga kababayan na naging mapayapa sa pangkalahatan ang halalan sa bayan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito, kaagad din naman daw itong naintindihan at nauwaan ng mga tao kung ano ang tunay na nangyari.

Sa ngayon, sinabi pa ng Lemery PNP na nakamonitor pa rin sila sa mga kandidatong natalo at sa kanilang mga tagasuporta at wala naman aniya silang natatanggap na ulat na magkakaroon ng protesta.