Inanunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang pagpapatupad sa P31-wage hike para sa mga minimum wage earners at P500 para sa domestic workers sa Central Visayas, simula sa June 14.
Dahil sa wage hike, ang mga minimum earners sa rehiyon ay tatanggap ng P382 at P435 daily.
Ang wage increase ay para sa lahat ng wage earners sa private sector anuman ang kanilang posisyon, designation, o status.
Para naman sa domestic workers, ang bagong minimum wage rates ay nasa P4,500 hanggang P5,500 kada buwan dahil sa P500 increase.

Ang mga domestic workers ay kinabibilangan ng general househelp, yaya, cook, gardener, laundry person, at sinumang tao na regular na nagpi-perform ng domestic work sa isang bahay sa occupational basis, sila man ay live-in o live-out arrangement. //MHEL PACIA