‘Wage distortion’, dapat tugunan ng mga employer kasunod ng dagdag na 35 pesos sa minimum wage

Halos isang milyong mga manggagawa sa National Capital Region ang makikinabang sa 35 pesos na dagdag sa minimum wage.

Kasabay ng dagdag sahod sa mga minimum wage earner, hinimok ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga kompanya na tugunan din ang tinatawag na ‘wage distortion’.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nangyayari ang wage distortion kapag ang kasalukuyang wage structures o rates ng mga empleyado ng isang kompanya ay lumiit dahil sa ipinatupad na dagdag sahod sa mga nasa entry level.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dagdag ni Laguesma, responsibilidad ng mga employer na ma-maintain ang reasonable gap ng sweldo sa pagitan ng mga level minimum wage at sa mga susunod na level.