Kampanya VS rabies pinaigting ngayong papalapit na pasukan

NAGA CITY –Nanganganib ang mga bata sa rabies ngayong pasukan na naman kaya pinaigting ng City Veterinary Office ang kanilang house-to-house vaccinations para sa mga alagang aso, askal man o may lahi, na kung saan apat na barangay sa lungsod ang tinutukan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang mga barangay na ito ay kinabibilangan ng Mabolo, Bagumbayan Sur, Tinago at San Isidro na may mangilan-ngilang insedente ng dog biting na karamihan sa mga biktima ay mga bata, na nakikipag kulitan sa kanilang mga alagang aso.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nabanggit naman sa Brigada News FM Naga ni Josielyn Niangar,  admin aide 1 ng CVO na mas magiging puspusan ang kanilang pagbabakuna sa mga aso para labanan ang rabies ng mga ito, at maiiwas sa panganib ang sinumang makakagat.