VP spox sa gov’t: Itigil ang pagkukumpara ng COVID response sa India

Pinayuhan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na itigil ang pagkukumpara sa kanilang COVID-19 response mula sa ibang bansa na hindi umano umaaksyon ng mabuti.

Partikular na tinukoy ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ang pagkukumpara ng bansa sa COVID-19 situation sa India, na ang populasyon ay mahigit isang bilyon.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Sa halip, hinimok ni Gutierrez ang pamahalaan na tingnan ang best practices ng kanilang Asian neighbors.

Mababatid na ang India ay nagtala ng world’s sharpest spike sa coronavirus infections ngayong buwan, kung saan ang political at financial capitals na New Delhi at Mumbai ay nagkukulang na ng mga hospital beds, oxygen, at medicines.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Noong nakaraang linggo naman nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na may malaking posibilidad na matulad ang Pilipinas sa nangyayari ngayon sa India, kung hindi susundin ng publiko ang minimum health protocols.