Wala umanong inirekomenda si resigned Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte na papalit sa kanya.
Hindi umano ito nagbigay ng rekomendasyon at mga pangalang posibleng pumalit sa kanya sa puwesto kay Pangulong Bongbong Marcos.
Read More: Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan
Aniya, nasa Pangulo pa rin naman ang appointing authority kaya naman siya ang may karapatang makapili ng kapalit niya.
Samantala, itinanggi naman ni Duterte na siya na ang bagong opposition leader.
Sa kanya aniyang pananaw, hindi siya gumagalaw para sa administrasyon, opposition, at anumang pulitika.