Kampo ni Guo – inabisuhan ang suspendidong alkalde na tumakbo ulit sa 2025

Pinayuhan ni Atty. Stephen David, legal counsel ni Bamban Mayor Alice Guo, ang alkalde na tumakbo sa susunod na eleksyon.

Ayon kay David, ito ay upang ang bayan na mismo ng Bamban ang humatol sa kaniyang kliyente, at hindi ang mga technicalities na ibinabato sa kanya.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Kaugnay naman nito, sinabi ng Comelec na sakaling walang pinal na hatol kay Guo hinggil sa mga isyung iniuugnay dito – malaya pa rin itong makapaghahain ng kanyang certificate of candidacy.

Read More:  ICC Prosecutors submit 6,909 evidence pieces against former President Duterte

Pero kasabay niyan, posibleng makwestyon pa rin si Guo, at masampahan ng kaso kung mapatutunayang nagsinungaling ito sa kanyang COC noong tumakbo siya bilang mayor ng Bamban.

Tiniyak naman ng komisyon na gagawin nila ang lahat sa sandaling magkaroon na ng findings ang OSG.