VP Duterte at Speaker Romualdez, hindi umano nagpansinan sa isang event

Mas lalong uminit ang usapan na may lamat na ang UniTeam matapos na hindi magpansinan sa isang event sina Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay kahit sinabi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na buo at walang lamat ang UniTeam.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Pero tugon lang dito ng bise presidente na hindi niya nakita ang video na nakapost sa social media.

Naging maugong ang nasabing iringan nina Duterte at Romualdez  mula noong magbitiw ang bise presidente bilang chairman ng Lakas-CMD matapos na tanggalin ng liderado ng Kamara bilang senior deputy speaker si Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo na malapit sa bise.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dumagdag pa ang pagtanggal sa confidential funds na budget ng ilang civilian agencies na pinamumunuan ni Duterte na naging mitsa ng pagtawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinakabulok na institution ang Kamara.