VP Duterte at incoming Education Secretary Angara, magpupulong na

Nakatakdang magpulong sina Vice President Sara Duterte at incoming Education Secretary Sonny Angara ngayong araw upang mapadali ang turnover ng pamunuan sa Department of Education (DepEd).

Kinumpirma ito ni VP Duterte matapos sabihing hindi pa sila nakakapag-usap dahil sa sunod-sunod na events ng ahensya ngayong buwan.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Gayunpaman, nilinaw niya na ang proseso ng turnover ay nagsimula kaagad pagkatapos pangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos si Angara bilang bagong kalihim ng DepEd.

Read More:  Missing PNP-CIDG documents delay Padilla counter-affidavit

Kumpiyansa rin si Duterte sa kakayahan ni AngAra pagdating sa pamumuno ng ahensya, lalo na’t may karanasanan na ito sa gobyerno.

Magkakabisa ang resignation ni VP Duterte bilang DepEd Secretary bukas, Hulyo 19, 2024.