Voter’s information sheet, sisimulan nang ipamahagi ng COMELEC sa mga Bicolano

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Commission on Election o COMELEC-Bicol na sisimulan na nilang ipamahagi ang voter’s information sheet sa lahat ng mga Bikolanong botante sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Sa isang panayam, nanawagan sa publiko si COMELEC-Bicol Regional Director Atty. Jane Valeza, na alamin at ilista na ang numero sa balota ng mga kandidatong nais nilang iboto sakaling matanggap na ng mga ito ang information sheet mula sa komisyon.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa ganito aniyang pamamaraan, hindi na mahihirapan ang mga botante sa mismong araw ng Halalan lalo na ang mga may edad na, mga PWDs at iba pang mga botanteng mangangailangan ng asistensya sa pagboto.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, sinabi naman ng opisyal na kasalukuyan na ring pinaghahandaan ng komisyon ang isasagawang deployment ng kanilang mga personahe sa iba’t-ibang probinsya ng Bicol, na magsisilbi sa araw ng elekksyon.###