Voter registration sa Metro Manila, suspendido sa ECQ period

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na suspendido ang voter registration sa National Capital Region (NCR) sa panahon na isasailalim ang rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ).

Una nang sinabi ni Jimenez na hindi pa ikinokonsidera ng Comelec’s en banc ang pagpapalawig sa election period sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ dahil sa maraming konsiderasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Paliwanag pa ng poll spokesman, naabot na nila ang kanilang target, at ginawa nalang nila ang registration para sa mga hindi pa nakakapagparehistro.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Maliban dito, nakalatag na ang timetable ng election preparation ng Comelec.

Sinabi pa nito na kinabusan ng huling araw ng voter’s registration sa September 30, ay paghahain na ng certificate of candidacy na itinakda sa October 1 hanggang 8, kaya dapat maihanda na rin umano ang final list ng mga botante. // MHEL PACIA-TRINIDAD