Higit 4K nurses, ipapakalat sa COVID-hit areas re: Delta surge

Aabot sa halos 4,100 na mga nurses ang ipapakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para tumugon sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, bahagi nalang ngayon ng hamon para sa pagpapalawak sa hospital capacity ay ang pag-hire at deployment ng mas marami pang health workers, sa gitna na nahaharap ang bansa ng pagtaas sa mga kaso ng mas nakakahawang Delta variant.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Dagdag ng DOH spokesperson, patuloy ang paghire ngayon ng gobyerno ng medical specialists, doctors, at general health practitioners para punan ang mga ospital na nangangailangan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Una nang sinabi ni Vergeire na sa kabila ng pending evidence, naniniwala ang Department of Health na mayroon nang community transmission ng Delta variant na siyang nagdudulot ng spike sa COVID-19 cases. // MHEL PACIA-TRINIDAD