BNFM BICOL– Nagpaalala sa publiko ang Virac Municipal Police Station sa lalawigan ng Catanduanes na ingatan ang kanilang mga vaccination card lalo na ang mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon sa PNP-Virac, kailangang ingatan at kung maaari ay ipa-laminate pa ang mga vaccination cards dahil madalas na itong hingiin at i-required sa pagpasok sa mga establisyemento at tanggapan na tanging mga vaccinated lamang ang pinapapasok.
Bukod pa dito ang prebelihiyo para sa mga bakunado kung saan hindi na nila kinakailangan pang sumailalim sa RT-PCR o Antigen Test sakanilang pagbiyahe papasok sa ilang mga lugar sa bansa.
Kaugnay nito muling nanawagan ang nasabing hanay ng kapulisan sa mga Viracnon na magpa bakuna na kontra COVID-19 lalo na ang mga nag-aalinlangan at takot pa rin na magpabakuna. Batay sa pinaka latest na vaccine statistics report ng Provincial Health Office as of November 17, 2021 umabot na sa 24% ng target population sa lalawigan ang naturukan ng bakuna.###