Virac at Bato, tanging mga bayan na lamang sa Catanduanes na may aktibong kaso ng COVID-19

BNFM BICOL—Dalawa na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Health Office.

Batay sa tala ng nasabing tanggapan, ang naturang dalawang aktibong kaso ay mula sa bayan ng Virac at bayan ng Bato habang zero active case na ang natitirang siyam na mga bayan sa probinsya.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, nananatili naman sa 3,189 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa isla kung saan 3,055 sa mga ito ang nakarekober na habang 132 naman  ang mga nasawi.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nananatili sa Alert Level1 COVID-19 status kung kaya’t mas maluwag na COVID restrictions ang umiiral ngayon sa lugar kung saan pinahihintulutan ang mga pagtitipon sa mas mataas na capacity sa kondisyong masusunod pa rin ang mga umiiral na minimum public health standards.###