Villar, tinawag na ‘failure’ ang anti-agri smuggling law

Tinawag ni Senator Cynthia Villar ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 bilang “failure” matapos na wala parin umanong nasasampolan ang naturang batas, pitong taon simula nang maging epektibo ito.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang pag-amyenda sa anti-agricultural smuggling law, inamin ng acting director ng legal service ng Bureau of Customs (BOC), William Belayo na walang convictions na naipataw sa ilalim ng batas.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Paliwanag kasi ni Belayo, na mataas ang mga requirements para sa paghahain ng non-bailable cases sa ilalim ng economic sabotage.

Dahil dito, iminungkahi ni Villar na kailangan magkaroon ng pagbabago upang makita ang mas maraming convictions. //MHEL PACIA