Vietnam, nangako na pagtitibayin ang ugnayan sa Pilipinas

Nangako ang Vietnam na pagtitibayin ang kanilang ugnayan sa Pilipinas partikular sa food security, climate change, defense, at food supply.

Ang pangako ng bansa ay makaraang magbigay ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon si Vietnam National Assembly Chairperson Vuong Dinh Hue (Vương Đình Huệ).

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa pagpupulong, binanggit ni Marcos na napakapalad niyang nakilala si Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc sa APEC Summit na ginanap sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.

Ilan sa tinalakay sa pagitan ng ng Pangulo at Vietnamese counterpart ang agrikultura at kalakalan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, sinabi ni Chairman Vuong na humanga siya sa mga pangako na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas sa panahon ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly habang nagpahayag ito ng “concerted efforts at koordinasyon upang matugunan ang climate change.