Dolly de Leon, nagningning para sa posibilidad na Oscar Nomination

Inabangan sa opening night ng 10th edition ng QCinema International Film Festival ang Pinoy pride Best Supporting Actress contender na si Dolly de Leon.

Sa kanyang international film debut, gaganap si Dolly bilang 53-year old toilet cleaner na kalaunan ay nagkaroon ng leadership position.

Read More:  Lea Salonga makes history as first Filipina to receive Hollywood Walk of Fame star

Hinangaan at kinilala naman ng New York Times ang karakter at mahusay na pagganap ng Pinay.

Ayon sa ilang artikulo, kinilala si Dolly bilang “scene-stealer of the year’s most outrageous film,” at “front-runner” sa pagkapanalo, kasunod ng kanyang breakout sa Cannes.

Read More:  Alex Gonzaga and Mikee Morada give first glimpse of their baby boy’s face

Umaasa ang Filipino community at ang industriya ng pelikula sa bansa para kay Dolly, dahil kung papalarin, siya ang magiging kauna unahang Pilipino na naging Oscar Nominee.//SMM