Video contest vs ‘climate change’, inilunsad ng EDC

Inilunsad ng First Gen-owned Energy Development Corporation (EDC), ang nangungunang renewable energy producer ng bansa, ang isang video-making contest na tinawag na ‘Beat the Challenge of Climate Change’ sa 19 na elementarya at sekondaryang host school sa Manito at Sorsogon.

Ang kumpetisyon ay naglalayong higit na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral at mga guro sa isyu ng krisis sa klima at ang kanilang mga tungkulin at kontribusyon sa pagtulong na mabawasan ang mga epekto nito. Kasabay nito, nilalayon din ng kumpanya na magbigay ng karagdagang kagamitan sa pag-aaral sa mga paaralan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Inaasahang lalahok sa patimpalak ang 14 na elementarya at 8 paaralan naman ang sasali para sa high school category.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga video entries ay sa Nobyembre 21, habang ang awarding ceremony ay sa Disyembre 7.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang mga mananalong entry sa elementarya ay makatatanggap ng hanggang apat na unit ng brand new Smart TV at external hard drives na maaaring maging kapaki-pakinabang sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga guro at mag-aaral.

Para sa kategorya ng high school, ang first placer ay makakukuha ng kumpletong set ng audio-visual equipment, na binubuo ng Laptop, amplifier, dalawang wireless microphone, projector, isang projector screen, at dalawang speaker unit.