NAGA CITY – Nagsimula na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pag monitor sa mga itinitindang Christmas Lights sa Naga at sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Provincial Director Jay Ablan, nilinaw nitong hindi presyo ang minomonitor sa mga christmas light kundi standard compliant.
Dapat may quality marker kung hindi PS o product standard, ICC o import commodities clearance, lalo na magkaiba ang temperature level ng mga panglabas at pangloob na mga pailaw kung kaya’t kailangan na tingnan at imonitor para iwas na rin sa mga posibleng sunog.
Samantala, ayon pa kay Ablan hindi dapat tumaas sa 10% ng SRP ang mga seasonal products, kasama ang mga Christmas Light, mga Noche Buena Products at ilan pa.