Victor Wood, pumanaw sa edad na 74

Pumanaw na ang mang-aawit na si Victor Wood nitong Biyernes dahil sa kumplikasyon na idinulot ng COVID-19.

Sinabi ng asawa ni Victor na si Nerissa na binawian ng buhay ang kanyang mister bandang alas-9 ng umaga sa New Era Hospital sa Quezon City.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon kay Nerissa, itinakbo nila si Victor sa pagamutan ilang araw na ang nakaraan matapos itong atakehin ng asthma.

Kalaunan ay nalaman sa isinagawang test na nagpositibo ang beteranong singer sa COVID-19 at meron itong pneumonia

Na-intubate pa ang 74-anyos na mang-aawit dahil sa pagbaba ng oxygen level nito bago ang kanyang pagpanaw.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Matatandaan na kinilala si Victor, na isang Bicolano at American mestizo, bilang “Jukebox King” noong 1970’s.

Pinasikat ni Wood sa mga ballads tulad ng “In Despair,” “Mr. Lonely,” “I’m Sorry My Love,” “I Went To Your Wedding,” at maraming iba pa. (RAMAK KOWSARI)