Vice President Sara Duterte, hindi dadalo sa SONA ngayong taon

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa July 22.

Inihayag ito ni Duterte sa panayam sa inagurasyon ng Child and Adolescent Neurodevelopmental Center sa Davao City.

Sinabi ng pangalawang pangulo na itinatalaga niya ang sarili bilang “designated survivor”.

Ito ang unang beses na liliban si Duterte sa SONA ng pangulo mula nang maupo sa puwesto.

Samantala, ayon naman kay House Secretary General Reginald Velasco ay wala pa silang natatanggap na official communication mula sa tanggapan ng bise-presidente.

Mahirap aniyang magbase sa social media o sa mga video kaya sila na ang kukumpirma mismo sa OVP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *