Vice Ganda, sumakay ng helicopter papunta sa trabaho para di ma-late

Ipisilip ni Vice Ganda sa kanyang mga fans ang kanyang busy schedule, nang sumakay ito sa helicopter sa pagitan ng kanyang work commitments para lang makaabot sa kanyang mga shows sa tamang oras.

Matapos kasi ang noontime show ni Vice ay kanailangan itong magpunta sa Quezon Province sa parehong araw, para naman sa isa pang show.

Paliwanag nito, dahil hindi umano siya aabot kung maglaland trip, ang mas magandang paraan ay sumakay nalang ng helicopter na pagmamay-ari ng kanyang tinatrabahuang network.

Dagdag ng komendyante, 20 minuto lang kasi ang itatagal kung sasakya siya ng helicopter papuntang Quezon, pero tatlong oras at kalahati kung maglaland trip.