Japan, ititigil ang coal imports sa Russia

Kinumpirma ni Japan Prime Minister Fumio Kishida na ititigil nila ang coal imports sa Russia dahil sa walang tigil na ‘war crimes’ sa Ukraine.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Kasabay nito ang pagtanggal sa walong Russian diplomats sa embahada at sa trade office nito.

Ayon kay Kishida, maraming sibilyan ang namatay at inatake ang nuclear facilities na isa umanong malaking paglabag sa international humanitarian law.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Samantala, hinihiling niya ang pang-unawa ng mga Japanese citizens ukol sa desisyon dahil ang kaguluhan umano sa Ukraine ay isang bagay na hindi pwedeng patawarin. (ARGIE ERGINA)