Kinumpirma ng tagapagsalita ni presumptive President Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. na mas marami silang kinakausap sa pribadong sektor para sa bubuuing Gabinete ng papasok na administrasyon.
Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na marami silang kinakausap na mga pribadong individual na respetado sa industriyang kanilang ginagalawan.
Ayon pa kay Rodriguez, maraming magagaling na tao ang kanilang ikinokonsidera kasama na ang mga dati nang naglingkod sa mga nakaraang administrasyon.

Nilinaw naman ni Rodriguez na nasa proseso pa lamang sila ng searching at vetting kasama na ang pagkausap sa mga ikinokonsidera sa Gabinete kasama na ang balitang siya ang susunod na Executive Secretary.
Binigyang diin ng tagapagsalita ni Marcos na maselan ang pagiging EXecutive Secretary at ayaw niyang pangunahan ang usapin dahil tanging papel lamang aniya ngayon ay ang pamunuan ang transition team.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#