Veteran broadcaster at Ex VP Noli de Castro, umatras sa pagka-senador

Umatras na sa kanyang kandidatura pagka-senador ang beteranong mamamahayag at dating bise-presidente na si Noli de Castro.

Binawi ni de Catro ang kanyang pagtakbo ilang araw lamang matapos itong mag-file ng kanyang certificate of candidacy.

Read More:  PNP gives Sen. Bato one week to surrender over ICC arrest warrant

Sa isang statement sinabi nito na bagamat nagsumite siya ng COC noong Biyernes, nagbago umano ang kanyang desisyon.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Naniniwala umano siyang mas mapagsisilbihan niya ang taumbayan kung mananatili siya bilang mamamahayag.

Nagpasalamat naman si de Castro kay Manila Mayor Isko Moreno at sa Aksyon Demokratiko party sa pagtanggap umano sa kanya sa partido.