Vessel crossing o overtaking, tinitingnang anggulo ng PCG sa banggaan ng 2 foreign ships sa karagatang sakop ng Corrigidor

Sinisilip na ng Philipine Coast Guard ang posibleng vessel crossing o overtaking sa dahilan sa banggaan ng dalawang foreign ships sa karagatang sakop ng Corrigidor.

Ayon kay PCG spokesperson, Commodore Armand Balilo, ang dalawang ito ang tinitingnan nilang anggulo sa nangyaring insidente.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Naganap ang collision noong April 28 kung saan tatlong indibidwal ang binawian ng buhay.

Sangkot dito ang dredger MV Hong Hai 189 at ang chemical at oil tanker MV Petite Souer.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Sinabi ni Balilo na aabot ng halos isang linggo ang imbestigasyon at ang tanker, na naglalaman ng 150,000 litro ng diesel oil, ay mananatili sa mga awtoridad hangga’t hindi ito naki-clear.//CA