Determinado si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na i-level ang playing field at magbigay ng mas magandang health access para sa mga Pilipinos, sakaling maitalaga bilang health secretary.
Ayon kay Vergeire, na kagaya ng ginagawa umano sa nakalipas na anim na buwan, tututukan niya ang access at equity, para madaling makakuha ng serbisyo ang mga kababayan tuwing kailangan nila at tuwing gusto nila.
At para maabot umano ito, sinabi ng DOH-OIC na kailangang i-chart ng DOH ang kanilang healthcare at hospital facilities, upang madaling makapagpagamot ang mga pasyente.
Binigyang diin din nito na kailangan ang pagkakaroon ng financial protection, dahil hindi pa rin umano pupunta ang mga tao, kung wala silang pambayad ng serbisyo at kung wala sila pambili ng gamot.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang ahensya hinggil dito para sa “outpatient drug benefit package” na ibibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), kung saan ang mga pasyente na pupunta sa mga primary care centers ay ituturo sa PhilHeath accredited pharmacies, kung saan makakakuha sila ng kanilang gamot nang libre.
