NEDA: mataas na agricultural production, kinakailangan para malabanan ang inflation

Inihayag ng National Economic and Development Authority (Neda) na kailangan ng mas mataas na agricultural productivity, food supply augmentation, at pagtitiyk sa energy security para malabanan ang tumataas na inflation rate.

Mababatid na tumaas pa ang inflation sa bansa sa 8.7 percent noong Enero ngayong taon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kaugnay nito, sinabi ni Neda Secretary Arsenio Balisacan, na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya, lalo na sa pag-modernize sa agriculture, agribusiness, at pagtitiyak sa energy security ng bansa, upang matiyak ang napapanahon at epektibong pagpapatupad sa mga istratehiya ang mga programa na inilatag sa PDP.

Sinabi pa ng NEDA chirf na gumagawa na ng mga hakbang ang gobyerno para matiyak na ang mga pagbabago sa presyo ng pagkain ay nanantiling kaugnay parin sa kanilang target para sa parehong food security at inflation. Ayon sa ahensya na ang tumataas na suplay sa pamamagitan ng pansamantalang pagre-relax sa import restrictions, price monitoring, at nakatutok na social assistance ay short-term approaches lang.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity