Vaccination rate sa Guinobatan, Albay tumaas na, mga residente hindi na namimili ng bakuna

LEGAZPI CITY – Unti- unti na rin tumataas ang vaccination rate sa bayan ng Guinobatan Albay.

Ayon kay Mayor Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan, tumataas na ang bilang ng mga nagpapabakuna sa mga vaccination site area o sa mga barangay dahil na rin sa hindi na namimili ng bakuna ang mga residente.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Marami na rin kasi dumarating na bakuna tulad ng sinovac, Pfizer, moderna, Sputnik at iba pa.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dagdag pa nito, naging malinaw na rin sa mga nagpapabakuna ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID 19.

Sinabi ng opisyal, malapit na rin maabot ng LGU Guinobatan ang heird immunity sa pagpapabakuna.