Vaccination Card requirement parin sa mga pasahero ng bus mula sa mga lugar na nasa Alert Level 1 patungo sa Naga City

NAGA CITY- Inaasahan na ang pagdami ng mga uuwi sa Bicol Region ngayong tag-init at paparating na an Semana Santa lalo na’t maluwag na ang mga patakaran sa pagbiyahe.

Sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 sa bansa requirement parin sa mga pasahero ng bus na bababa sa Bicol Central Station sa Naga City ang vaccination card para sa mga pasaherong mula sa Alert Level 1 din. Ito ay ayon kay  Terminal Manager Nonoy Reforsado.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sinabi nito sa naging panayam ng Brigada News FM na ang mga hindi bakunado ay kailangan mag presenta ng negative antigen o RT-PCR Test result bago pasakain sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX. Kung galing  sa mga lugar na nasa Alert Level 2, bakunado man o hindi kailangan may test result negative sa virus.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga