Utang ng Pilipinas, lumobo pa sa P15.35T sa pagtatapos ng Mayo

Lumobo pa sa P15.35 Trillion ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng May 2024 ayon sa Bureau of Treasury.

Mas mataas ito ng P330.39 Billion o 2.2% kumpara sa P15.2 Trillion nitong Abril.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Isa sa nakikitang dahilan ng Bureau of Treasury sa paglobo ng utang ng Pilipinas ay ang pagbaba ng piso kontra dolyar at ang patuloy na pangungutang sa labas ng bansa.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Mula sa nasabing halaga, P10.44 Trillion ang domestic debt o yung utang sa loob ng bansa habang P4.9 Trillion ang external debt o utang sa labas ng Pilipinas.