Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Legislative Liaison Office(PLLO) Undersecretary Jacinto Paras bilang Presidential Adviser on Political Affairs.
Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ni Paras sa nasabing posisyon.
Ang posisyon ngayon ni Paras ay may ranggong Secretary kaya’t malinaw na bahagi na siya ng gabinete ni Pangulong Duterte.
Si Paras ay dating Chairman ng Philippine National Oil Company noong 2008 at dati ring Representative ng 1st District ng Negros Oriental.