US State Department, sinuportahan ang Pilipinas sa mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea

Suportada ng Amerika ang Pilipinas sa pagkondena sa pagpapatupad ng China sa unilateral fishing ban sa West Philippine Sea.

Sa isang tweet, ipinunto ng US State Department spokesman Ned Price na ang ipinatupad na unilateral fishing moratorium ng China sa West Philippine Sea ay labag sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at international law.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Hinihimok aniya ang China na sumunod sa mga obligasyon nito base sa international policies.

Mababatid na ipinatawag ng Pilipinas ang mga Chinese diplomat kamakailan kasunod ng anunsyo kaugnay sa unilateral fishing ban maging sa napaulat na harassment ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa nasabing teritoryo.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Kahapon, nakipagpulong naman si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu kung saan napag-usapan ang magandang ugnayan at kooperasyon ng PCG at ng Chinese Coast Guard.
#