Leptospirosis cases sa Pinas, bahagyang tumaas

Ngayong tuluy-tuloy pa rin ang mga nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nagpaalala ang Department of Health na mag-ingat laban sa banta ng leptospirosis.

Sa isang pahayag, sinabi ng DoH na bahagyang tumaas ang mga naitalang leptospirosis cases sa bansa.

Mula Enero ngayong taon hanggang May 7, naiulat ang 631 na kaso nito.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

6% itong mas mataas sa 596 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Mula April 10 hanggang May 7, naitala ang 154 cases: 31 dito ay mula sa Western Visayas; 23 sa Cagayan Valley; at 20 sa Metro Manila.

Dahil dito, tuloy ang paalala ng DoH sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha lalo na kung mayroong mga open wounds.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kung di naman maiwasan, ugaliing magsuot ng bota at iba pang selyadong pangangga at footwear.

Inabisuhan ang publiko na kaagad kumonsulta sa doktor sakaling na-expose sa baha at nakaranas ng ilang sintomas gaya ng lagnat o pagsakit ng ulo.
#