US President Biden, inibimitahan si President Marcos para bumisita sa Washington

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to United States Babe Romualdez na inimbitahan ni US President Joe Biden si President Bongbong Marcos na bumisita sa Amerika.

Ito ay kahit na mayroong standing contempt order si marcos na makatuntong sa United States dahil sa ilang mga kaso.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa isang panayam, sinabi ng envoy na nang bumsita ang delegasyon ng Amerika sa inagurasyon ni Marcos kamakalawa, ipinaabot umano ni US 2nd Gentleman Douglas Emhoff ang isang liham mula kay Biden.

Nilalaman nito ang pagbati sa bagong pangulo ng Pilipinas, at ang personal na imbitasyon nito.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Inimbitahan si Marcos ni Biden na makausap sa isang phone call, at kung magtutugma na ang schedule nila ay inanyayaan itong pumunta sa Washington.

Muli namang nilinaw ni Romualdez na mayroong dimplomatic immunity si Marcos.

Dahil dito, papayagan umanong makatuntong ng Amerika si Marcos at ang pamilya nito.
#