DomengPH, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong #DomengPH habang patuloy na kumikilos patungong patungong hilaga.

Base sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 990 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Napanatili pa rin ni Bagyong Domeng ang lakas nito kung saan nasa Tropical Storm category pa rin ang naturang bagyo.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahang tatahakin ng naturang bagyo ang Ryukyu Island sakop ng Japan mamayang gabi at saka tutungo sa silangang bahagi ng China Sea bukas.

Patuloy naman na palalakasin ng Bagyong Domeng ang umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.
Dahil dito, posible ang mga pag-ulan sa mga susunod na oras sa Northern Luzon, partikular sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon province.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Mananatili namang makulimlim ang panahon na may tyansa rin ng mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.(CLAY MARQUEZ)
#